Thursday, November 11, 2010

WHEN I LOOK AT YOU: CHAPTER 4 (A JaEvon Fanfic)

CHAPTER 4
4:1
(Sa kwarto ni James)
“Huhwek kehmay.. Di kituhh  iiwuhn sa pagluhkbuhy.. Hmmm mm mmm mmm mm..”, kanta ni James with his accent habang nagbibihis.
Tinitignan nya ang iPhone nya nang biglang magtext. Nang inopen nya ito, nangiti sya dahil galing kay Devon pero nawala agad ang ngiti nito nang mabasa nya ang nakasulat.
“DD, di muna ako sasabay. Ingat ka na lang, huh? See you ! :)”, text ni Devon.
Napasuntok si James sa tukador nya at tinitigan ang sarili sa salamin.
“MM, please hold on still. Hold me tight.”, sabi nito sa sarili sabay tingin sa litrato nila ni Devon.
(Sa school)
“Hey, man! Sup? And where is she?”, bati ni Bret kay James.
“Where’s Devon, James?”, tanong ni Fretzie.
“She texted me not to pick her up today.”, seryosong sagot ni James.
Nagkatinginan si Bret at Fretzie.
“What?”, tanong ni James.
Paglingun ni Bret at Fretzie sa entrance..
“What the F!”, gulat na sabi ni Bret.
Nanlaki naman ang mata ni Fretzie. At paglingun ni James..
BOOOM! Ayun! Sabay pumasok si Devon at Ivan!
Nagulat si James at napakapit ng mahigpit sa strap ng bag nya.
Habang naglalakad si Devon at Ivan, tinginan ang lahat. Ang masikip na daan ay lumuluwag.
“Oh my god! OMG, OMG!!”, sigaw ni Ann.
“Who the hell she think she is?!!”, galit na sabi ni Tricia.
Kaya naman agad na umeksena si Tricia.
“Hey, guys!”, bati ni Tricia sabay yakap sa kanang braso ni Ivan.
Nagdahilan ito upang matulak at matumba si Devon sa lupa.
Nagulat ang lahat. Lalo na si James. Pupunta na sana si James nang nilapitan sya ni Ann.
“Hey, James! C’mon! Let’s go!”, bati ni Ann sabay hawak sa kanang braso ni James.
Natulala si James sa kina Devon dahil itinayo at inakbayan ng mahigpit ni Ivan si Devon.
Walang nagawa si James kundi tumalikod na lang at sumama kay Ann. Nakita din naman ito ni Devon at napayuko na lang.
“Tsk, tsk, tsk, tsk, tsk.”, pag aalala ni Fretzie.
“Weird. Let’s go.”, aya ni Bret kay Fretzie.
(Sa classroom)
Grupo grupo. Sayaw dun, kanta dito. Kwentuhan dun, halakhakan dito.
Sa sulok ay nandoon sila Bret, Fretzie, Devon at Ivan. Pabilog ang pwesto nila at nakaupo sa sahig. Si Bret naman ay nakasandal sa pader. Katabi naman ni Bret si Fretzie na nakasandal din sa pader sa may corner. Katabi naman ni Fretzie si Devon na sya ding nakasandal sa pader. Katabi ni Devon si Ivan na nakaharap kina Bret at katabi naman ni Ivan si James na nakaharap kay Devon.
Si James ay nagtotono ng gitara samantalang nag gigitara naman si Bret. Si Fretzie naman ay nakikipagkwentuhan kay Devon at magkahawak ang kamay ng mga ito. Si Ivan naman ay kinukulit ang mga paa ni Devon dahil nakadiretso ang paa nito kaya diniretso nya din ang paa nya at pinatong sa paa ni Devon.
“PAAKK!”, hampas ni Devon sa braso ni Ivan sabay tawa.
“Aww. Grabeeee.”, cute na pagkakasabi ni Ivan.
Gumanti naman si Devon at pinatong din ang paa nito sa paa ni Ivan.
Papalit palit naman ang tingin ni Bret kay James, kina Devon at Ivan, at kay Fretzie.
Nagka-eye-to-eye naman si Fretzie at Bret. Ngumuso si Fretzie sa direksyon ni James. Tinitigan naman ni Bret si James. Alam nyang kahit nakayuko ito ay napapansin pa din nya ang kulitan nina Devon at Ivan kaya naman nagsalita na si Bret.
“Do you know how to play guitar?”, tanong ni Bret kay Devon.
Napatingin sina Fretzie, James at Ivan kay Devon. Natigil din ang kulitang Devon-Ivan.
“Uhmm. Just a bit. DD taught me.,”, sagot ni Devon sabay ngiti kay James.
Naka-full smile naman itong si James. Ultimo gilagid, kita.
“Aaahhh! Sample, sample, sample! Duet!”, asar ni Fretzie.
“Hawak kamay lang ang alam ko. ‘yun lang. Haha.”, natawang sagot ni Devon.
“Let’s si—”, putol na sabi ni James.
“Sing for me, Devs.”, nakangiting sabi ni Ivan.
Napayuko si James at napansin naman ‘yun ni Fretzie at Bret. Binigay ni Bret kay Devon ang gitara.
“Wehhh?”, natawang sabi ni Devon sabay sipa sa tuhod ni James.
Nakayuko si James at kunyaring di nararamdaman ang pagtawag ni Devon. Pinipigil nito ang ngiti nito.
“Uy. Help!”, pangungulit ni Devon at patuloy pa rin nyang kinakalabit ang tuhod ni Devon gamit ang paa nito.
Si James naman ay patuloy pa din ang pang aasar at di pa din pinansin si Devon.
“Di ko na matiis si MM!  She’s so funny. I want to laugh na.“, sabi ni James sa sarili kaya papansinin nya na sana si Devon pero nagulat sya nang may humawak sa balikat nya.
Nagulat ang lahat. Pagtangad ni James, si Ann pala.
“Oh! Thank you, Ann!”, masayang sabi ni James sabay hila sa kamay ni Ann at pinaupo sa tabi nya.
“Huh? Hehe! No prob!”, nagtatakang sagot ni Ann, “Hi, guys.”, sabay bati nya.
Akala ni Devon ay nag-Thank you si James kay Ann dahil akala nya ay naiirita at ayaw nang kausapin ni James si Devon at si Ann ang nagligtas dito.
“Thank you, Ann kasi I can’t resist Devon.”, sabi naman ni James a sarili.
“Hey, James. Sing a song for me!”, masiglang sabi ni Ann kay James.
Nagkatinginan naman si Bret at Fretzie.
“Play Lucky James.”, sabi ni Bret.
“But we’re not bestfriends. James, sing something about us.”, sabi ni Ann.
“But James would love to play it especially for Devon. Right, James?”, sabi ni Fretzie na ikinagulat naman ni Devon.
Nangiti naman si James.
“Oh, let’s just sing—“, naputol na sabi ni Ann.
“Devon, sing Baby for me.”, singit ni James.
Nagulat si Ann at Ivan samantalang nangiti naman sina Bret at Fretzie.
“Huh?”, nalitong sabi ni Devon.
“I mean for us.”, biglang sabi ni James.
“Ahem ahem. Ohh ohh whoaa ooohh whooaa. Ohh ohh whoaa ohh ohhh.”, pag intro ni Devon sabay harap kay Ivan.
Pumalakpak naman si Ivan. Natuwa ito dahil kinanta ito ni Devon para sakanya. With feeling pa nga eh. May paturo turo at papikit pikit pa.
BABY
Ohh wooaah (3x)
You know you love me,
I know you care
Just shout whenever,
And I'll be there
You want my love,
You want my heart
And we will never ever ever be apart

Are we an item?
Girl quit playing
Were just friends,
What are you saying
Said theres another,
Look right in my eyes

My first love broke my heart for the first time,
And I was like
Baby, baby, baby ohhh
Like baby, baby, baby noo
Like baby, baby, baby ohh
I thought youd always be mine mine

Baby, baby, baby ohh
Like baby, baby, baby noo
Like baby, baby, baby ohh
I thought youd always be mine,mine (oh oh)

For you, I would have done whatever
And I just can't believe, we ain't together
And I wanna play it cool,
But I'm losin' you
I'll buy you anything,
I'll buy you any ring
And im in pieces,
Baby fix me
And just shake me til' you wake me from this bad dream

Im going down, down, down, dooown
And I just cant believe my first love would be around.

And I'm like
Baby, baby, baby ohh
Like baby, baby, baby noo
Like baby, baby, baby ohh
I thought youd always be mine, mine
Baby, baby, baby ohh
Like baby, baby, baby noo
Like baby, baby, baby ohhh
I thought youd always be mine, mine

Samantalang si Ann naman ay may pahiga higa pa sa balikat ni James.
 Nagtataka naman sina Bret at Fretzie dahil akala nila ay ang magiging sweet ay si Devon at James. Wala naman silang magawa kaya umaja na lang din sila.
Natigil naman ang kasiyahan nang tinawag ni Tricia si Ann.
“Ann!!”, pasigaw ni Tricia sabay senyas.
“Oh, I almost forgot! Devon and Fretzie, let’s practice our dance number.”, aya ni Ann kina Devon at Fretzie sabay tayo.
“We’re gonna cheer for you, Devs!”, sabi ni Ivan.
“Go, Fretz!”, cheer naman ni Bret kay Devon.
“Naku. Kayo talaga.”, sabi ni Devon habang papunta sa pwesto nya, “San kami, Tricia?”, sabi ni Devon. “Syempre sa harap kami ni Ann at sa likod kayo ni Fretzie.”, sabi ni Tricia.
“Ready? Paki play na nga, Devon!”, utos ni Tricia.
(TICK-TOCK)
Kahit medyo nahuli si Devon, umangat at nakasunod pa din ito. Si Tricia ay laging nagkakamali at dahil tinitignan sya ni Ann ay nagkakamali din si Ann. Talaga namang kapansin pansin ang galaw ni Devon. Si Fretzie naman ay nakakasunod din.
Si Ivan, James at Bret naman ay titig na titig kay Devon. Nanganga pa nga eh!
“Mali! Ano ba naman kasi, Devon! Ang O.A mo kaya nagkakamali kami ni Ann! From the top nga!”, pagalit na sabi ni Tricia.
“What? Devon is really damn hot!”, nagtatakang sabi ni Bret kina James at Ivan.
“Yea. It was Ann and Tricia who’s not doing the right steps.”, sabi ni James.
Nagulat ang lahat ng may magsalita sa may pintuan.
“Devon and Fretzie, kayo dapat ang nasa unahan. Go.”, sabi nito.
“No wa—”, pagtingin ni Tricia sa may pintuan, “Oh, Ma’am! Hehehe. Sorry po. May iniisip kasi ako eh. Ulitin ko na lang po, Ma’a—”, naputol ulit na sabi ni Tricia.
“No. Devon and Fretzie, punta sa unahan. Devon, you’re really good. Add more feelings. And Fretzie, galingan mo pa. Turuan nyo din mamaya si Ann and Tricia. Sige ulitin nyo. Tricia, i-play mo na.”, sabi ng guro nila.
Sinunod ni Devon at Fretzie ang sabi ng guro nila kaya naman mapapahanga talaga ang makakapanuod lalo na kay Devon.
“WOW, Devon!”, sabi ni Bret na manghang mangha.
“That’s my babe!”, pabirong sabi ni Ivan.
“Thanks, Babe!”, sabi ni Tricia.
“Tch.”, sabi ni Ivan.
Samantalang si James naman ay tahimik at seryosong nanunuod kay Devon.
“She didn’t change. She’s still great. Oh, MM.”, sabi ni James sa sarili.
“How did you capture Fretzie’s heart?”, tanong ni James kay Bret.
“I used my charm ofcourse. And I used my makatang isip in my letters for her.”, biro ni Bret.
Nangiti lang si James.
“Why, dude?”, tanong ni Bret.
“Nothin’.”, nakangiting sabi ni James sabay alis at punta sa upuan nya.
Nagtataka naman si Bret at napansin nyang pagkaupo ni James ay kumuha ito ng papel at panulat.
Makalipas ang ilang minuto, lumapit muli si James kay Bret.
“Thanks, dude!”, sabi ni James sabay takbo palabas ng classroom nila.
Samantala, tapos na sumayaw sina Devon at Fretzie.
“Where’s James?”, tanung ni Ann.
Nagtaka din si Devon at Fretzie.
Napataas lang ng balikat si Bret.
“I’m here!”, sabi ni James habang hinihingan.
“Man! Where did you go?”, tanong ni Bret.
Nangiti lang si James.
“Did you see me dance? How is it?”, tanong ni Ann kay James sabay palupot ng kamay nya sa kamay ni James.
“It’s just okay. I gotta go.”, sabi ni James sabay tanggal sa kamay ni Ann at pumunta kina Bret.
Tinawag na nga ang mga mag aaudition. Nag audition na sila.

4:2
Pag tapos ng audition..
“Wow! We’re awesome there guys!”, masayang sabi ni Bret.
“Kinabahan ako dun. Grabe. Super pawis. Sana mapili tayo. Tara. Punta tayo locker ko. Andun pampalit kong damit eh.”, aya ni Devon kay Fretzie.
Nangiti si James na sya namang ipinagtaka ni Bret.
(Sa corridor)
“Ang weird nyo ni James!”, sabi ni Fretzie.
“Huh? Bakit?”, nagtatakang tanong ni Devon.
“Tamu ‘to. Kunyari pa. Magbati na nga kayo. Bestfriends pa man din. At nako, ha.”, sermon ni Fretzie.
“Ano naman ‘yan? Ayus naman kami ah? At wag mo nga akong sinesermunan dyan.”, natawang sabi ni Devon.
“Pinagpapalit mo na sya kay Ivan.”, sabi ni Fretzie.
“At bat naman nasali si Ivan? Tsaka, magbestfriends kami ni James. May Ann naman sya. Mabait naman din si Ivan sakin eh.”, sabi ni Devon.
“Ganon? Kaya kay Ivan ka na kasi dumidikit si Ann kay James? Di ganun ‘yun uy!”, sabi ni Fretzie.
“Echuserang frog naman ‘to. Di ganun ‘yun. Basta friends lahat. GV lahat. Okay?”, nakangiting sabi ni Devon.
“Speaking of GV, alam mo ba ‘yung upcoming Youth-oriented show ng ABS-CBN?”, tanong ni Fretzie.
“Ah. Oo. ‘yung Good Vibes!”, masayang sagot ni Devon.
“Sa November 2010 na ‘yun. Nakakaexcite nuh! Ang pogi ng mga bida at magaganda din.”, sabi ni Fretzie.
“Oo nga eh. Inaabangan ko ‘yung kapangalan ko. Si Devon. Idol ko ‘yun. Kamuka ko pa. Saka si James. Crush ko pati si Ivan. Hihi! Ang galing nga eh. Kapangalan natin.”, sabi ni Devon.
“Oo nga eh. Pogi din ‘yung  Bret. Sayang. Natanggal daw ata ‘yung Fretzie.”, malungkot na sabi ni Fretzie.
“Ows? Basta suportahin pa din natin ‘yun. Devonaire ako eh. Madalas nga ako sa PEX eh!”, sabi ni Devon.
“Ay oo. Bongga mga fans dun! Tsaka updated at GV talaga!”, masayang sabi ni Fretzie.
“TAMAA!”, sabay na sabi ni Devon at Fretzie.
“Ingay  natin! At nandito na pala tayo sa locker ko.”, natawang sabi ni Devon.
“Kaloka ang ini—“, naputol na sabi ni Devon pagkatapos buksan ang locker nya.
“Oh, bakit?”, pag aalala ni Fretzie.
Hindi agad sumagot si Devon dahil binasa nya ang sulat.
“Ayy. May love letter! May secret admirer ang bebe ko! Share!”, naexcite na sabi ni Fretzie sabay basa din.
“(Mga Banat ni James kay Devs sa pex merun)
See you in the canteen later and in the library.
When you see me, I’ll definitely smile at you.
I’ll give you the sweetest smile and I hope that you’ll smile back to me, too.”

“Oh my! Sino kaya ‘yan? Hmm?”, tanong ni Fretzie.
“Ewan ko. Baka nanloloko lang? Ewan.”, sabi ni Devon.
“Yiee! Di ‘yan! Haha. See you in canteen and library daw. Naku, kung sinu nandun at ngumiti sayo, sya ‘yun! Haha.”, naexcite na sabi ni Fretzie.
“Nako. Tara na nga! Ikaw talaga.”, aya ni Devon.
(Sa labas ng classroom)
“Oh. They’re here. Come on. Let’s eat in the canteen.”, aya ni Bret sabay hila kay Fretzie kaya si Devon at James na lang ang naiwan.
“Uhmm. Ivan is not joining us. He’s with his friends.”, biglang sabi ni James na ikinagulat ni Devon.
“Eh? Di ko naman sya tinatanung saka may sarii syang buhay kaya ayus lang. Ikaw naman oh. Binibigay mo ata ako sa kanya.”, sabi ni Devon.
“No. Ofcourse not. No. I thought you would ask. And for your information, there’s  no way I’m gonna give away my bestest friend. Okay?!” , paliwanag ni James sabay akbay kay Devon at nagkulitan na.
“Tara na nga! Ikaw talaga!”, masayang sabi ni Devon.
Samantala, habang nauuna sila Bret at Fretzie, kinwento ni Fretzie ang sulat na natanggap ni Devon.
“Devon has a secret admirer. Ang cheesy nga nung letter eh.”, pambungad ni Fretzie.
“What? Who would it be?”, sabi ni Bret.
Naging curious si Bret. Dahil dun, hindi nya na napakinggan ang mga sinasabi ni Fretzie. Biglang pumasok sa utak nya ang usapan nila ni James kanina.
----
FLASHBACK:
“How did you capture Fretzie’s heart?”, tanong ni James kay Bret.
“I used my charm ofcourse. And I used my makatang isip in my letters for her.”, biro ni Bret.
Nangiti lang si James.
“Why, dude?”, tanong ni Bret.
“Nothin’.”, nakangiting sabi ni James sabay alis at punta sa upuan nya.
----
Nagbalik sa present time..
“Oh. Then he write something on the paper. Then..”, sabi ni Bret sa sarilo at biglang napaisip uli.
----
FLASHBACK:
 “Thanks, dude!”, sabi ni James sabay takbo palabas ng classroom nila.
----
Balik uli sa present time..
“That’s it! I knew it!”, napalakas na sabi ni Bret.
“Huh?”, nagtatakang tanong ni Fretzie.
Kinwento ni Bret ang nangyari.
“Don’t tell Devon about it, okay?”, bilin ni Bret.
“So it’s James.”, sabi ni Fretzie.
“Shhh!”, sabi ni Bret.
“Beep beep! Best friends coming through!”, sigaw ni James na nakikipagkulitan kay Devon.
“Aww. How cute. Sana happy ending.”, nakangiting sabi ni Fretzie.
“Yea. C’mon. Let’s go.”, nakangiting sabi ni Bret sabay akbay kay Devon.
(Sa canteen)
“Devon, eat first.”, sabi ni Bret.
“Kaya nga, Devs. Hanap ka ng hanap eh nandito naman.”, sabi ni Fretzie habang nakangiti kay James.
“Huh? Wala ‘to nuh!”, sabi ni Devon habang patingin tingin sa paligid.
Natingin si Devon kay James at nakita niyang nakangiti si James.
Nagparinig naman si Fretzie.
“Wow. James had the SWEETEST SMILE!”, parinig ni Fretzie sabay tawa.
Nalipat ang tingin ni Devon sa likod ni James dahil andun  at papalapit si Ivan sa kanya.
Napatingin sina Bret, James at Fretzie sa likod.
“Ay yay yay.”, sabi ni Bret.
Paglapit ni Ivan sa table nila Devon, magandang ngiti ang sinalubong nito kay Devon.
Naging heart nanaman ang mga mata ni Devon.
“Sweetest smile.”, sabi ni Devon na parang na-hypnotized.
“Hi, guys. Hi, Devs! See you later guys.”, bati ni Ivan.
“Sige!”, sagot ni Devon.
“Magreview na tayo sa library. May quiz pa tayo sa Math mamaya.”, aya ni Fretzie.
“Sige!”, sagot ni Devon na halatang di pa nakaget over.
(Sa library)
“So find y if x is—“, naputol na pagrereview nila Fretzie.
“Devon! Mamaya mo na sya hanapin. Magreview ka muna. Nako ‘tong babaeng ‘to!”, sermon ni Fretzie.
“Teka lang. Para sure na.”, pagmamatigas ni Devon.
Patingin tingin si Devon sa paligid. Hanggang mabaling ang tingin nya kay James. Naka-full smile nanaman sya.
“WOW. SWEETEST SMILE nanaman ni JAMES!”, pagpaparinig muli ni Fretzie.
“Sinu ba talaga?”, sabi ni Devon sa sarili.
Nagulat si Devon nang may biglang tumabi sa kanya.
Pagtingin nya, si Ivan ito at sinalubong nanaman sya ng magandang ngiti.
“Wow. Sweet smile nanaman.”, sabi ni Devon sa sarili.
“Mag review ka na, cute. See you later.”, sabi ni Ivan sabay ngiti at alis.
“Phew! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Could it be him? Sya na nga. Una, sa canteen then ngayon sa library. And the sweet smile. Hala! I’m sure. Sya na nga!”, sabi ni Devon sa sarili.
“KRRRRRRRRRRIIIIIIIINNNNNNNGGGGGGG!”
“Hala. GoodLuck saten. Let’s go.”, sabi ni Devon.
“SATEN?! Baka sayo lang. Hahaha!”, biro ni Fretzie.

4:3
(Sa classroom)
“Good Morning, class. Get one whole sheet of paper.”, pambungad ng guro nila.
Pinamigay na ng guro nila ang questionaire.
“Psst! Fretz! Di ko alam ‘to. Patay!”, bulong ni Devon kay Fretzie.
“Ikaw naman kasi eh. Pakopyahin na lang kita. Wag tayo pahalata.”, bulong din ni Fretzie.
Pinakopya nga ni Fretzie si Devon. Maingat ang dalawa pero dahil kapit ang mata ni Tricia kay Devon ay nakita nito at nakahalata ito.
“KRRRRRRRRRRIIIIIIINNNNNNNNGGGGGG!”
“Okay, class. Pass your papers.”, sabi ng guro nila.
Nakalabas na halos lahat sa classroom. Palabas na din ang guro nang habulin ito ni Tricia.
“Ma’am! May sasabihin po ako.”, sabi ni Tricia.
“Sige. Ano ‘yun?”, tanung ng guro.
“Ma’am, nagkopyahan po si Devon at Fretzie kanina sa quiz. I saw them.”, sumbong ni Tricia.
“Devon is one of the top of this class. And Fretzie is one, too, so it’s impossible, Tricia.”, sabi ng guro.
“No, Ma’am. Trust me. I’m telling the truth. Why don’t you ask them personally?”, sabi ni Tricia sabay alis.
“Ano ‘yun?”, tanong ni Ann.
“Wala naman. Ang katapusan lang naman ni Devon.”, nakangiting sagot ni Tricia.
(Sa canteen)
Nagtatawanan sina Devon, Fretzie, James, Ivan and Bret nang may narinig silang tumatawag sa pangalan ni Devon at Fretzie.
“Devon! Fretzie!”, sigaw ng babae.
 “Ano ‘yun?”, sabi ni Devon.
 “Pinapatawag  kayo sa faculty!”, sabi ng babae.
“Huh? Bakit?”, nalitong tanung ni Fretzie.
“Ngayun na daw!”, sabi ng babae.
Nagkatinginan ang barkada. Nagmadaling umalis si Devon at Fretzie.
Pagkaalis nila Devon, sumunod agad sila James. Di nila napansin na sa tabing table nila ay nandun si Tricia at Ann na palihim na tumatawa.
(Sa faculty)
“Did I heard it right?!”, sabi ng punong guro.
“Ma’am, sino po ba ang nagsabi nyan?”, tanong ni Fretzie.
“Di naimportante kung sino. Both of you, since this is the first time, parusa lang muna ang ipapataw ko sa inyo.”, sabi ng guro.
Paglingun ni Devon at Fretzie sa may salamin ng pinto ng faculty, nakita nila si Tricia at Ann na nakangiti sa kanila at sabay pang nag-flying kiss at kumindat sabay alis.
“Tricia and Ann! Sabi ko na eh. Grabe talaga sila!”, sabi ni Fretzie sa sarili.
“Ma’am, I swear, Fretzie has nothing to do with this.”, sabi ni Devon.
“Hindi, Devs. Ayus lang.”, sabi ni Fretzie.
“Sige, dahil dyan, magcocommunity service kayo. Linisin nyo ang buong quadrangle.”, utos ng guro.
“Yes, ma’am.”, sagot nila Devon at Fretzie.
Paglabas ng faculty ay dumiretso na agad si Devon at Fretzie sa quadrangle.
(Sa quadrangle)
Matiyagang nililinis ni Devon at Fretzie ang quadrangle.
“Sorry kung nadamay ka pa. Sorry talaga.”, malungkot na sabi ni Devon.
“Hay  nako. Nagdrama nanaman ang bebe ko. Halika nga dito! Ayus lang ‘yun nuh!”, sabi ni Fretzie sabay yakap kay Devon.
“Magaling! Ang drama nyo. Pinaglilinis kayo, hindi pinaglalambuchingan!”, pataray na sabi ni Tricia sabay tapon ng kalat.
“Yea. Ang korni nyo! Go, clean this!”, singit ni Ann sabay sipa sa naipun na kalat nila Devon.
Sa di kalayuan, nakatingin pala sina James, Ivan at Bret.
“Here goes again that 2 brats!”, sabi ni Bret.
“Yea. Why are those two too harsh?”, tanong ni James.
“Because they are spoiled brats.”, sagot ni Ivan.
Nagtawanan ang tatlo.
Samantala, patuloy pa din ang panggugulo ni Tricia at Ann kina Devon kaya naman..
“Fretzie, game?”, nakangiting sabi ni Devon kay Fretzie sabay kindat.
Tumango naman si Fretzie. Nasa likod pareho ang kamay ng dalawa kaya nagtataka sila Tricia.
1..
2..
3..
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!”, matinis na tili nina Tricia at Ann.
Nakita nila James, Bret at Ivan ang nangyari kaya naman lumapit sila agad kina Devon.
“What was that?”, nakangiting tanong ni James.
Napansin ni Ivan ang dalawang laruang ipis sa sahig at pinulot ito.
“Fake cockroaches? I think I know the answer.”, nakangiting sabi ni Ivan habang pinapakita ang napulot.
Nagkatinginan naman si Devon at Fretzie sabay apir.
“You two are unbelievable. Super cool!”, tumatawang sabi ni Bret.
Nagtawanan ang lahat pero natigil ito nang may tunog na nanggaling sa speaker.
“Attention to all participants in the Audition. The results is out and I’m going to announce it now. Again..”, sabi ng announcer.
“Ayan na! GoodLuck satin! Mother Superior, please!”, sabi ni Devon.
Naghawak hawak sila ng kamay.
“The group who’s gonna rock the party is.....”, pambitin ng announcer.
Lalong humigpit ang hawakan nila ng kamay.
“..both of Devon’s group! The band of Devon Martinez, James Archuleta and Bret Smith. Also the dance troupe of Devon Martinez, Fretzie Buenaventura, Tricia Villargas and Ann Chen! Congratulations!”, sabi ng announcer.
“We made it! Yes!”, sigaw ni James sabay yakap kay Devon.
Nagulat naman si Devon pero niyakap nya na din.
“Ahem ahem.”, parinig nila Fretzie.
Nagtawanan ang lahat at nagyakapan.
“I’ll baby carry you.”, sabi ni James kay Devon na sya namang ikinagulat ng lahat.
Binuhat ni James si Devon. Nagkatinginan naman si Bret at Fretzie.
“Let’s do our piggy back ride naman.”, sabi naman ni Ivan sabay buhat din kay Devon palayo sa grupo.
“Ivaaaaaaaaaaan! Put me down!”, natatawang sabi ni Devon sabay hampas kay Ivan.
Nang ibaba nya ito ay naghabulan pa ang dalawa.
Dahil sa excitement, nagmadaling maglinis sila Devon. Tinulungan pa nga sila nila James.
“KRRRRRRRRRIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGG!”
“Uwian na. Let’s go home!”, aya ni Bret.
“Sige. Mauna na kayo. May pupuntahan pa kami ni Devs eh.”, sabi ni Fretzie.
“Where? We can accompany you.”, sabi ni James.
“Wag naaa. Girl stuffs ‘to.”, pabirong sabi ni Devon sabay lakad pero nakaharap pa rin sa kanila.
“Is that so? Ingat kayo.”, sabi ni Bret at nagflying kiss kay Fretzie.
“Mwaa!”, kilig na sigaw ni Fretzie.
“Ang cheesy. Grabe! Tara na!”, natatawang sabi ni Devon.

4:4
(Sa mall)
“Alam mo na ba kung sino ang secret Admirer mo?”, biglang tanong ni Fretzie kay Devon.
“Huh?”, gulat na sabi ni Devon, “Ah. Oo. Lagi nga lang nating kasama eh. Super close sakin.”, pahabol pa nito.
“Ow? Ako rin eh. Parang kilala ko na.”, nakangiting sabi ni Fretzie sa pag aakalang tugma ang sagot nila ni Devon.
“Si Ivan nuh! Swerte ko nga eh, ‘diba? Haha!”, masayang sabi ni Devon.
Di agad nakasagot si Fretzie.
“Dun tayo! Ang gaganda ng dress dun!”, aya ni Fretzie kayDevon.
“Huh? Uhmm. Talaga? Sige!”, nagtatakang sagot ni Devon.
(Sa botique)
Nagtitingin ng damit sila Fretzie nang biglang nakita ni Fretzie na nasa botique din si Tricia at Ann sa mga oras na iyon.
“Devs, come here.”, tawag ni Fretzie kay Devon.
“Ano ba ‘yu—”, naputol na sagot ni Devon, “OMG! Alis na tayo!”, pahabol pa niya.
“Bakit tayo aalis? Wag na lang tayong paapekto.”, sabi naman ni Fretzie.
“Tama ka. Tara, magfit na tayo!”, masayang aya ni Devon.
Nagsusukat ng damit si Devon at si Fretzie naman ang humuhusga at naghahanap.
“Wow! ‘yan bagay sa’yo. Tiyak na maiinlove sayo ang date mo bukas na si Ivan!”, parinig ni Fretzie.
“Oh my god, Tricia. Did you hear that?!”, sumbong ni Ann kay Tricia.
“Hear what?!”, nagtatakang tanong ni Tricia.
“Look.”, itinuro ni Ann sila Devon.
“I heard that her date is Ivan.”, sabi pa ni Ann habang tinitignan ni Tricia ang dalawa.
Kinuha ni Tricia ang phone nya at tinawagan si Ivan.
“Hello, baby? I know you still want me so magbalikan na tayo.”, bungad ni Tricia pagkasagot ni Ivan ng tawag nya.
“Talaga? That’s what I’m waiting for. It’s good that binabaan mo ang pride mo.”, sagot ni Ivan.
“Baby, wala pa akong ka-date tomorrow.”, paawa ni Tricia.
“Sige. I’ll call Devon. Be my date.”, sagot ni Ivan.
“Okay, baby. Now na. Bye. I love you.”, paalam ni Tricia.
(Sa counter)
“Miss, eto po oh.”, sabi ni Fretzie.
“Ang ganda din ng napili mo!”, puri ni Devon.
“Kring.. Kring..”, tunog ng phone ni Devon.
“Hello, Ivan! Good timing. I bought a dress for tomorrow na.”, masiglang bati ni Devon at masaya din naman si Fretzie na nakatingin kay Devon.
Nagtataka si Fretzie kung bakit parang naglalaho na ang ngiti ni Devon.
“Ah. Ganon ba? Sige. Ayus lang.”, malungkot na sabi ni Devon sabay baba ng phone.
“Next, please.”, sabi ng babae sa cashier.
“Ay. Hindi ko na bibilhin ‘to.”, malungkot na sabi ni Devon sabay abot ng dress sa babae.
“Oh, bakit?!”, gulat na tanong ni Fretzie.
Napalingun nila nang biglang sumingit si Tricia at Ann.
“I feel sorry for you kung umayaw na si Ivan sayo.”, nakangiting sabi ni Tricia.
“Aba. Ikaw sumosobra ka na, ah! Uupakan na kita talaga!”, galit na sabi ni Fretzie.
“Oh, ano!”, pagtatanggol ni Ann.
“Ivan still loves me. Wala kang magagawa dun. Kami na uli. Sorry, loser.”, pang aasar pa ni Tricia.
“Hindi porket pinsan kita, hindi na kita papatulan!”, galit na sabi ni Fretzie.
“Hindi, Fretz. Hayaan mo na. Let’s go.”, aya ni Devon, “I’m happy for you, Trish.”, pahabol pa nya.
“Huh? No!”, sabi ni Fretzie na tila ayaw magpatalo.
“Halika na. Hayaan mo na.”, sabi ni Devon sabay hila kay Fretzie.
“Miss, pakitago ‘yan. Babalikan ko ‘yan. Promise.”, sabi ni Fretzie sa tindera, “Devs, wait!”, pahabol nya.
Nagtawanan naman sila Tricia at Ann.

3 comments: